Para sa akin ang pelikulang ito ay magandang aral sa lahat ng tao. Dahil na den pinapakita neto ang kinakaharap ng bansang ito katulad na ng teenage pregnancy, kahirapan, at ang sistema ng mga gobyerno pag dating sa mga mahihirap na tao. Mapapaisip ka talaga at magpapasalamat sa iyong mga magulang dahil hindi mo nadadanas ang mga buhay ng ibang tao katulad ng mga bida sa pelikulang ito. Napaka totoo ang pinakita dito dahil talaga nangyayari ito sa pang araw araw na pamumuhay ng bawat mamamayan ang kwentong toh ay nagsisilbing eye opener sa bawat isa at pag udyok na mag tapos sa kanilang pag aaral at wag munang gagawa ng mga bagay na dapat hindi naman gawin dahil baka ito ay maka sira sa iyong buhay. Masasabi ko ang mga actor na gumanap ay napaka galing umarte dahil talagang naparamdam nila at napakita kung paano ang pamumuhay ng isang mahirap na tao sa mundong toh at bilib den ako sa director na gumawa neto dahil tinalakay niya ang pamumuhay ng mahihirap na tao at madalas lang din kasi tayo makaranas ng ganon o minsan lang ito na bibigyan pansin ng mga director. Mapapanood mo den kung paano ang pagtrato ng mga opisyal sa mahihirap sila ay hindi patas mag serbisyo dahil wala naman silang makukuha ganun na talaga sa panahong ito kung may pera ka hindi ka basta basta matatapakan pero pag mahirap ka tingin sayo ng iba ay napaka baba mo na at walang kwentang tao. Kaya hindi mo den masisi ang mga mahihirap kung bakit nila nagagawa ang pagnanakaw at pag lulong sa masamang bisyo. Para sa akin nakakalungkot ang pelikulang ito dahil nagsisimbolo ang palabas na toh kung ano ba talaga ang kinakaharap ng bawat isa