Malayong malayo na ang sistema niyo sa orihinal na setup ng PBB, masyado niyo ng ginawang negosyo ang mga housemates at mga nangangarap makapasok sa PBB house, ginawa niyong laruan ang mga housemates at ang mga nanunuod, lalo na ang pamilya at fans ng mga housemates. Bakit ba sila nakakapagsalita ng mali? ng hindi maganda? ng masasakit na salita? kasi iyong mga pinapagawa niyo sa housemates ay gumagawa rin ng mga negatibong ingay, it promotes war and anger, nahuli pa kayong scripted ang ginagawa ng housemates, paano pa tinawag na reality show yan. Nakakalungkot lang na ganyan ang nangyari sa PBB.
Sa desisyon niyong alisin ang vote to evict, nangangahulugan lamang na may pagkakamali kayo sa setup na ginawa niyo ngayon. Sinasabi niyo din ngayon, na criminal offense ang pagbibigay ng mapanirang komento, ei iyong pinapalabas niyo kaya ang dapat kasuhan kasi nagpopromote kayo ng bullying sa challenges na ginawa niyo.
Tapos ngayon magbibigay kayo ng ganyang statement para malinis ang emahe niyo. Fan ako ng PBB pero not today batch at nung last previous batch, sobrang nakakalungkot kasi iyong mga pinapakita na.
#ccto