Sa apat ng sulok ang magkakaibigang Cyrus, Voltron, Jim, at Noel lumilipad sa kalangitan. Hindi para sumagip ng mga humihingi ng saklolo katulad ni Superman. Kundi para takasan ang kanya-kanyang problema bitbit buhat sa bawat pamilya. Bawat isa ay biktima ng kahirapan, agrabyado ng kasalatan at binugbog ng kapalaran.
Pero sa gitna ng gulo at kasinungalingan dala ng pangangailangan ng magkakaibigan. May isang tinig akong sinang-ayunan bilang isang guro.
Para sa mga kabataan:
"Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, anak, limang dekada Ng kahirapan Ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan Ng mga kabataan, sa pananaw ko e walang gugustuhing umiwas sa eskwela"
Kaya gustong-gusto ko ang punto ni Mang Justo. Period agad sa usaping Diploma o diskarte.
Umaalingawngaw din sa tainga ko ng ang paulit-ulit na litanyang galing sa komersyal "Huwag mong susubukan, masisira ang buhay mo"
Pero sa huli sirain man ng bisyo ang buhay ng isang tao o grupo ng magkakaibigan. May isang tatangap, may uuwian, walang iba kundi ang Pamilya.