Sobrang ganda talaga ng pelikula! Hindi nakakasawang panoorin mula umpisa hanggang sa huling eksena. Isa itong light movie, pero punong-puno ng aral at damdamin. Maraming bahagi ang tumatak sa akin, lalo na bilang isang taong may takot sa pag-ibig. Naiparamdam nina Jolo at Sari ang iba’t ibang emosyon—kasayahan, kilig, lungkot, at pag-asa. Parang sumama na rin ako sa journey nila habang pinapanood ko ang MLWMYD. Maraming salamat sa paggawa ng isang napakagandang obra. Isa itong pelikulang babalik-balikan ko. Saludo ako sa buong team!