SAMPALAN, KABITAN AT MAY KONTING ZOMBIE (2hours & 22mins movie length)
yung mga nag rate ng 5 stars dito kung hindi "paid rating" probably relatives ng movie production ang mga yan...
nakaka dismaya talaga manuod ng pinoy film, online na nga ang resources/ template/ formula/ structure sa pag gawa ng story board ng zombie movie pero bakit may sampalan at kabitan pa din???
Phasing and execution na nga lang ang challenge pero bakit hindi pa din magawa ng tama??? About a meter lang ang distance ng object to survivor pero bakit parang hindi nya nakita? Kailangan ba talaga i- expose muna sa camera bago mag react? Like hello katabi/ nasa-likod/ nasa-itaas mo na yung "zombie" bakit hindi ka nag react noong na encounter mo na sila kanina, hindi naman sila bigla-biglang sumusulpot ganyan ba talaga kasabaw ang awareness ng mga survivor.
2 hours and 22 minutes slow burn film dahil sa unnecessary scene na hindi naman kailangan sa final cut.
Naiintindihan naman ng mga viewers na may malaking ambag ang mga advertisements and sponsorship for the making of this film pero sana split of a second lang or kahit easter eggs lang ang exposure ng mga props, hindi yung ini-emphasize pa sa movie (I'm referring to the brand/logo of the vehicle, cigarettes and wrist watch). Sobra- sobra sa exposure ng mga ads... yung one pack of cigarettes inabot na ng 3 weeks sa settings pero hipak pa din ng hipak yung chainsmoker na nanay, tapos yung wrist watch naman ilang beses pinakita sa flashback ng childhood trauma pero hindi naman nagamit yung establishment ng side story or as a tool, for advertisement lang talaga sya hayyyys.
Satisfying yung character design and practical effects muka talaga silang mabaho and nakakadiring hawakan, So hanggang dun na lang ba ang improvements sa pinoy film making