Halo halong emosyon, pananaw, pala-isipan, at aral ang mararamdaman sa pelikulang ito.
Marerealize mo talaga na hindi lahat ng nagpapakita ng maganda sayo ay totoo at mabuting tao. At hindi rin lahat ng akala mong nakagawa ng pagkakamali ay habang buhay ng masama at hindi na pwede magbago at yung iba ay nagiging biktima o dawit lamang ng sitwasyon o ng mga maling paratang at mga makapangyarihan, kilala o mga sakim na tao.
Minsan din ang mga nakaka taas ang siyang mga nag hihilaan pababa at nagpapatayan.
Marerealize mo din sa pelikulang to na kung gaano din karumi ang mga kalakaran at kung gaano kalaki ang kakulangan sa pagbibigay ng maayos at malawak na karapatan sa bawat isa pagdating sa batas. At pagkamit ng katotohanan at hustisya. Kagaya na lang ng nangyari kila Zamora at sa iba pang kasamahan niya, at sa nakararami pa.
Isang malaking biyaya ang magkaroon padin ng mga kapulisan o mga nasa gobyerno at mga nakaka angat sa buhay o kahit simpleng mamamayan lang na may mabuting puso at hangarin para sa mga kababayan nila o kapwa nila tao. Mahirap itong hanapin dahil di mo alam kung sino sino ba ang mga talagang may mabuting hangarin, mabuting kalooban at mabuting malasakit sa mga tao.
Minsan kailangan mo na lang din manahimik o minsan kailangan mo muna manahimik pag may nangyayaring kamalian. Hindi dahil duwag ka. Pero para sa ikabubuti ng nakararami. May mga laban na minsan kailangan mo na lang din sukuan para sa ikabubuti. Pero lahat tayo ay may karapatan magsalita at manindigan sa kung ano ang tama at dapat. At choice mo na yon.
Minsan talaga madamot ang tadhana at tao kahit anong buti ng iyong mga nagawa at ng iyong puso at hangarin. Pero minsan maniniwala ka na lang na may dahilan ang Diyos sa mga kung anuman ang nangyari, nangyayari at mangyayari sa buhay mo at sa paligid mo. Pero di na mahalaga yon eh. Dahil sa huli, ang importante pinili mo, pinipili mo, at pipiliin mo padin maging mabuting tao.