Maganda tong palabas na to kasi pinapaalalahanan tayo na maging matatag sa kabila ng mga pagsubok na binibigay sa atin ng Diyos. Hindi nya tayo pinapabayaan anjan lang sya lagi basta tawagin mo lang at darating sya.
Ang problema lang sa palabas na to, medyo magulo na ang storya mas ok if nag focus nalang kay Mira yung storya.
When it comes to the characters magagaling yung mga artista tulad nila Ms. Eula, Sylvia, Mylene, Nonie, RK, at yung mga bagong casts like Mr Christopher at Andrea.
Bilib din ako kay Andrea Brillantes. Makikita mo yung character development sakanya from being mahinhin na Mira to palaban na Mira. Kahit palaban ay mabuti parin yung kalooban nya. Magaling syang artista! So far sa henerasyon nya sya yung masasabi kong pinakamagaling sa larangan ng pag arte.