Gusto ko lang i-appreciate 'tong teleserye na 'to. 🥰 Sobrang magical talaga, marami akong natutunan dito katulad ng pagmamahal at kahalagahan ng pamilya... Bilang isa sa mga kabataan, napakalaking impact ng teleserye na 'to sa buhay ko, marami akong na-realize sa buhay at sa pagmamahal. Hindi ko ma-explain kung gaano ako kasaya na napanood ko ulit 'to, ang huling nood ko pa neto no'ng around 4 yrs old palang ako, syempre bilang bata hindi ko pa maintindihan, kaya no'ng dumaan 'to sa fyp ng tiktok ko na-curioud talaga ako kung ano ba talaga yung totoong kwento nito, kaya iginugol ko talaga yung oras at mga araw ko para rito, siguro mga 1 week ko 'tong napanood from 1st to 140th episode HAHAHAHAHA. 😅 Well, hinding hindi naman ako nagsisi na napanood ko 'to. Siguro gawa na rin ng universe na dumaan talaga 'to sa fyp ko para marami rin akong matutunan tungkol sa buhay buhay. Grabe, kudos sa lahat ng casts nito, sobrang appreciated ko ang bawat isa. Ang gagaling talaga, halos kada episode umiiyak ako HAHAHAHAHA. Pero ang ganda pala ng ending nito, literal na happy ending! ✨️ Simula ngayong March 2, 2025 tuesday ng gabi ay maniniwala na ako sa magic ✨️