Nalungkot ako nung isang araw kasi dumaan sa newsfeed ko si Kobe Paras.
Hay. Wala malamang UAAP Men's Basketball this year. Sayang ang line up.. Sayang ang huling taon nina Bright.😭
Tyempo naman na lumabas itong Handsome Tigers na ito as suggestion ni KissTVShow. Ayun. Hahaha may nautay panooring liga habang dinidisminoriya.
Para akong nanonood ng SlamDunk.😍 Yung mga invited actors/idols/comedian, alam nila na sasali sila sa liga.. iniexplain naman sa kanila...pero hindi nila iniexpect na professional level ang training na kakaharapin nila.😂 Kaya kita sa ep1 pa lang yung lowest of low nila at progress per game.
Take aways...
1. The one who controls the game, control the rebound talaga. Box out is a must. Proper positioning is a must.
2. Stick to basic. Basic dribbling, basic form during free throw, lay up, 3pts will go a long way kumpara sa mga fancy moves na mga euro or continental steps. Bago mo pangarapin magpapogi/magpasikat sa court, drill your body with basic moves.
3. Basketball is a team play. Kahit anong galing ng player, if hindi nya kayang sumunod sa team play na instructions ni coach, nganga. Kahit na iilan lang ang pattern nyo na inuulit-ulit, as long as nababalasa nyo sya depende sa sitwasyon, kaya nyong makipagsabayan sa mas malakas na team.
4. Practice will never fail you. Kung gagawa ka ng 1500 jumpshot sa loob ng isang linggo, makakaya mo talagang magjumpshot during the game na muscle memory na talaga.
5. Ang kritikal ng experience ng isang coach. Kapag inaaral nila yung pattern na ituturo specific sa mga previous play ng susunod na kalaban, iba kapag merong idea talaga ang coach sa actual na gulangan sa court.😂
6. Last, ruuuuuun! Kahit di ka magaling magshoot basta mabilis kang tumakbo, kahit ang alam mo lang e magreceive ng pasa, may silbi ka!😂
Hindi ako fan ni Cha Eunwoo kahit na sya na yata ang pinakamagandang kpop idol. Pero respeto talaga hahaha grabe syang maglaro g basketball. Hindi sya takot mabangasan! Yung kalaban na yung natatakot para sa kanya kung makahabol ng bola. Dahil dyan, papanoorin ko yung Rookie Historian.😂