Great lesson na natutunan ko sa Itaewon Class: Matuto kang magbago hindi lang para sa sarili mo kundi para na rin sa mga taong nakapaligid sayo. Kung mahal mo at importante sila sayo, kailangan mong matutunang ibaba ang pride mo para sa kanila. Mahalin mo sya sa kung paano nya gustong mahalin sya. Hindi importante ang mga materyal na bagay dahil kumukupas yan, ang pinakamahalaga ay maipakita, maparinig at higit sa lahat maiparamdam mo sa kanya na may nagmamahal sa kanya. Andyan ka lang sa tabi nya sa hirap man o saya. Sabay nyong tahakin ang hirap para sabay nyo ring maabot ang tagumpay. Kalimutan ang paghihigante. Aim for your happiness.